Thursday, December 26, 2013

Search for a new haven: wandering around tingloy island



Alam mo mayron akong pangarap sa buhay
Sana matupad na


CUT TO.

Magda-drive ako hanggang Batangas
tapos magswi-swimming d'on sa Beach.

Batangas. 

Nalibot na namin ang buong batangas bilang ito na yung pinaka abot kaya abot salapi na beach get away. Nagsimula sa kulay abong buhangin ng Lemery na hindi mo maintindihan kung beach pa bang tawag. Hanggang sa natuklasan ang Calatagan na dalawa lang ang pampublikong beach. Napapaligiran ng private beach resort kaya susuyurin mo talaga ang bayan na to ng walang kasiguraduhan kung makakapaglubog ka ba ng paa sa dagat. Burot at Caisip, kung ano ano ng memories na naipon at kung sino sino ng nakasama pati nahatak. 
"Wala bang bago? beach na beach na ko e." - Sigaw ng batang nagmamaktol sa kapaguran sa buhay syudad
Kaarawan ng isa naming kaibigan at ayaw nyang umakyat ng bundok para maranasan ang tradisyunal na surprise birthday bash ala the flying club. At dahil responsable kaming manggagawang pilipino ay pagbibigyan namin siya ng biglaang beach get-away, pero sa batangas lang, batangas lamang.

Tingloy Island. 

Ito na yun dalawang linggo bago magkayayaan nung nabasa ko ang tungkol sa isla na ito. Kaya pala di namin na suyod, wala pala siya sa mainland batangas. 

Tara beach tayo. Bago to' sa batangas lang. Bale 1 thousand budget, Saturday-Sunday. Bring your bikinis girl at ako na bahala sa mommy duties! Btw, wala nga palang cr, resort, at sampung minuto yung kuhaan ng tubig. Bale mataya-taya na lang kung sino ang nakatoka umigib. Okay? Claro? Game na?

Game.

When: Sabado, November 30 2013
Where: South Station, Alabang. 
Who: Maix. Mich. Ju'an. Ava. Ruth. 
What: Mga kababaihan ng malolos

5AM call time
7AM depart

Alam nyo na kung bakit. All girls nga diba?

Sumakay kami ng bus pa Batangas City. Nagbayad lang kami ng P130 at muling ibinilin sa konduktor na pakigising kame pag terminal na sabay matamis na NGITI. Sarap maging babae. 

Tulog na ng isa't kalahating oras. Ginising na kame at as usual pupungas-pungas pa medyo nakapikit pa pababa ng bus. Isa lang alam ko naglalakad ako ng naka half-pikit non sinusundan ko lang yung tinuturo ni kuya sakay na daw kame sa jeep. Sakay naman kame (Jeep to Anilao Port) tas syempre bayad muna ng P30. Pagka-upo namin, kanya kanya ng banat ng pwesto pagtulog. Paumanhin sa mga pasahero na nadantayan ko sa hita, na-corner ng head bangs ni ruth at mich. Antok lang.

P.S. Tip namin bago kayo sumakay ng bus, chikahin muna ang bus driver at konduktor. Mega kwento kung saan kayo dapat sumakay at saan kayo bababa. Para pwede na kayong matulog, sila na bahala sainyo. Para silang Ama sa labas

830AM Anilao Port

Oo nga pala may dalawang bagay lang akong gustong sabihin ladies. Una, wala pa tayong pagkaen so mamalengke na tayo dito. Pangalawa, 9AM alis ng RoRo tas 12 na yung sunod at huling trip. Kaya kung ayaw nyong tumambay dito.

Amazing Race: Mamalengke na! In 30 minutes.
Adobo 
Sinigang
Ripe mangoes
Chips
Pasta
Pandesal

Kakagising lang namin. Wala pa talaga sa mood kaya may pagka-prima donna pa. Naalala ko lang nagtuturo ako ng mga gulay at sangkap tas pinaplastik ko lang at pina-compute. Paikot-ikot sa palengke parang mayor doma. Epektib naman. At syempre nataranta sa pagtataga ng baboy at manok si kuya bilang aalis na talaga for real yung roro. Lastly, kuya pakigandahan pa rin ang hiwa a.

Babae nga.

                                      pang masa version na yate: P75 each. 9AM & 12NN
                                          parang eksena sa bapor tabo ng noli me tangere


anilao beach resorts. nakatambay kame sa labas para palong palo sa view bukod sa wala ng lugar para samin sa loob 

                                   palakas ng palakas ang alon. kapi't kapit din! basang basa na e!

Makalipas ang kalahating oras ng pagkain ng spaghetti sa terrace ng bangka at maligo sa hampas ng alon, Welcome Tingloy Island! Let's go to the beach each let's go get away

                                              Soundtrip muna: Cool down by Kolohe Kai

The waters looking nice and blue 
Bluer than the clearest sky
And the waves are fire'en getting higher and
Better even as we speak

Sumakay kami ng tricycle at nangbayad ng P20 isa. Dadaanan daw namin ang bayan saka dederetso sa may kabukiran at lumakad lang daw kame sa mga pilapil sa dulo daw nun yun na yung Masasa Beach. Umuulan-ulan pa non kaya sabay sabay kaming nag su-sun dance sa puso at isipan. Haring Araw, please gusto ko 
po ng golden tan! 
                           
Sa bukid walang papil!
malayo ang tingin at di mapakali

tara ligo tayo sa bath tub!


Matapos ang paglalakad sa pilapilan, sinundan na namin yung tunog ng hampas ng mga alon. Beach beach where are you? 

Don't judge the book by it's cover. 

Pagkakita namin ng beach, yung shore ginawang parking lot ng mga bangka pangingisda. Napaisip tuloy ako kung saan kami magpipitch banda ng tent. Nasa isip ko malinis na shore yung tent nyo lang ang nandun tas pwede akong magpahila-hilata sa buhanginan at matulog sa ilalim ng araw. 

Pano to. 

Syempre positive pa rin kame kaya napagdesiyunan na mag-explore sa kalayuan. Pero nung nilapitan namin yung dagat. Ang una kong naramdaman, akit na akit ako sa tubig para syang candy na masarap kainin. Ang ganda ng kulay blue like the sky at ang linaw kitang kita mo yung paa mo na nakalubog. 

Ito ang tunay na beach! Yung ilulubog ko kahit anong parte ng katawan ko buong araw dahil ang sarap ng feeling.
Dahil hindi kame susuko at makukuntento sa hindi maganda, lakad lakad pa kami sa kalayuan. At yun na nga nakita din namin yung, the perfect campsite, natatakpan ng malalaking bato at payak na payak ang kagandahan. 

Peace and tranquility, akin ka ngayong weekend. 

Parang nagbalik yung kabataan ko sa beach na ito. Yung wala kang ibang iniisip kundi ang maglangoy buong araw at wala kang pakialam kung matusta ka sa init ng araw. 

Kadalasan kase simula ng maging responsable ako, nauuna yung pagiintindi ko sa grupo o di kaya pagluluto ng kakainin kesa ang maglangoy ng wantusawa sa dagat. Yung trip ko lang pagmasdan sila na sumaya. Parang ina lang. 

Pero ngayon ako muna, oras ko to at walang makakapigil. 


Kaya heto at kabababa pa lang ng gamit ay lumusong na kame sa dagat. Ang sarap maging bata. 



Solo campsite
















Kelty by the beach!