Wednesday, May 14, 2014

Zomewhere in Zambales


Nasubukan mo na bang i-day trip ang Zambales?

5 hours travel time x 2 = 10 hours travel time - 24 hours - 14 hours free time!
Maniwala ka sulit yang 14 hours, all you have to do is savor every minute, every hour.

Napaka-challenging talaga mag-set ngayon ng mga out-of-town trips bilang lahat na ng Travel Pussies ay working girls na. Pero yung conflict sa schedule din ata yung nagpapa-excite sa bawat travel namin.

Linggo lang kami lahat pwedeng magkasamasama. Linggo is day off ng mga indays! Pero syempre gusto namin pumunta sa magandang beach bilang choosy kame sa itsura ng beach kailangan isla.

Batangas - laspag na laspag na samin
Cavite - Puro swimming pool dun
Laguna - Mainit don. Hotspring e. Tsaka walang isda.
Bulacan - Puro bundok dun.
Pampanga - May beach ba dun?

At finally ZAMBALES.

Maraming isla at isda dun!

MAGALAWA ISLAND The Ultimate Day Trip


Ang sarap magwala at mawala!
-Magalawa

15 minutes away from mainland. Isang kembot lang nasa isla ka na. Mababait ang mga locals. Maganda ang buhangin. Malawak yung shore pwedeng pang team building.Syempre masarap mag swimming at mag dive!

Sabado Day Zero,10 PM Meet-up at Victory Liner Caloocan.
On time naman kami lahat yun nga lang dahil sa Batman Trippers kame (Bahala na si Batman) hindi na kame nagpareserve ng seats sa Victory liner. Akala kase namin makukuha sa 'Positive Lang' na makasakay kame ng last trip ng bus pa Sta. Cruz. Nasa waiting list kame, alanganin kung makakasakay. Nagiisip na nga kame ng pwedeng second option na pupuntahan pero Zambales na Zambales na kame.

HINDI PWEDE TO'
Kahit anong mangyare sasakay tayo.

Ending..

Dalawa lang nakuha namin seats kaya pinaupo na namin sina Ruth at Maix. Habang kame ni Mich ay humilata sa sahig ng bus, ang sarap kaya matulog ng 5 hours kesa sa nakatayo ng 5 hours. Nagigising na lang ata kame na may humahakbang samin, seryoso walang halong biro. At syempre sa sobrang papansin namin, di kame nakakalimutan ni kuya kundoktor. Hindi kase namin talaga alam kung saan bababa.

"Bayad po, apat na Radio Veritas sa may Palauig. Kuya san ba yon? alam mo? baba mo na lang kame a tulog muna kame hehe" - default Line.

"O sige gisingin ko na lang kayo." - Kuya konduktor.

"Gisingin mo kame kuya a! Kapag kame lumagpas, ihahatid mo kame pabalik" - konting push pa.

4:30 AM Ibinaba kami ni kuya sa isang madalim na lugar sa tabi ng waiting shed. Dito na daw pala yung Radio Veritas. Walang 7eleven, walang tindahan, walang tao, nasa baryo tayo!

Shoot! habang nagkakagaguhan at nagkakatawanan ay may biglang lumabas sa isang bahay nakagising ata kame. Hulog ng langit si kuya dahil ang unang entrada nya samin ay:

"Kay Molo ba kayo? Sa isla? Sakay na kayo sa tricycle ko at itetext ko si Mulo."

Bongga! Walang kahirap hirap syempre gora naman kame sa tricycle. Ang liblib na ng lugar pero walang takot at pangamba dahil mas maganda yung stars kesa sa takot.

Pupungas pungas pa si kuya Mulo ng sunduin kame. Nakakatuwa kase with tender loving care yung pag salubong nila samin tas nagulat sila na puro babae kame. Kaya naman special treatment for the princesses!

15 mins. lang nasa isla na kame. Parang kaninang gabi lang nasa Caloocan kame na sobrang chaotic, tapos ngayon pagsikat ng araw nasa paraiso kame. Sarap mabuhay diba?! Dipende na lang yan kung pano mo lalaruin yung buhay mo araw araw.

                                               GOOD MORNING HARING ARAW!


Hi Magalawa island!




Tandaan:


Kapag nasa beach ka matulog ka ng matulog sa buhanginan

Parang eternity kase yung oras dito tapos walang gigising sayo. Nandito din yung katahimikan na hinahanap mo. Tapos i-hehele ka ng hangin tas kakantahan ka ng alon. Kahit 2 hours ka lang matulog sa buhanginan pakiramdam mo two days ka ng natutulog. Sulitin mo dahil mahirap matulog ng ganyan sa Maynila. 



Pwede rin naman habang nakaupo kanya kanyang trip!



Kapag nasa beach ka pagkagising mo maglangoy ka ng maglangoy

Pagkagising mo may energy ka na para sa all day swim. Ang dagat ay hindi lang tinititigan at ginagawang backdrop para sa iyong photo-ops. Sumisid ka dahil may kakaibang mundo sa ilalim. Mapapagtanto mo na hindi lang ikaw ang nilalang na importante sa mundong to. Hindi lang ikaw ang may karapatang sumaya at mabuhay. Kapag sumisisid ako, nararamdaman ko yung ultimate na katihimikan. Wala ka kasing ibang maririnig kundi yung hininga mo lang. Para kang pumasok sa isang mundo na wala kang karapatang mang-gulo. Kaya tara na sisid tayo! 








Kapag nasa beach ka pag nagutom ka kakalangoy kumain ka ng kumain

Bakasyon nga diba? Kaya kakain ako ng kakain. Paminsan nakakalimutan na natin yung basic necessities ng buhay dahil masyado na nating ginawang kumplikado, pasikat kase mga human beings kung ano anong iniimbentong gawin na pampaubos ng oras. Simple lang naman ang buhay, matulog, kumain, makipagusap at mag meditate. Kaya wag kakalimutan na busugin ang tiyan dahil kailangan mo yan, basic yan e. Tsaka hindi ba't mas masarap kumain kapag napakaganda ng tanawin.

Dahil nakumpiska ang Butane namin sa Victory Liner (P.S. Itago sa kaibuturan ng bag ang butane kapag sasakay ng Victory Liner) wala kaming panluto at hindi rin naman kame nakapamalengke, buti na lang sa Magalawa Island pwedeng magpahuli ng isda at magpaluto. Hindi naman kamahalan, sakto lang, mas mahal pa rin yan starbucks mo! Kaya piyestang-piyesta ang eksena namin, apat lang kame!

Nakadalawang ice cream ako tapos nakadalawang Halo-Halo kame ni Maix!
Wantusa!



Lunch for today:

Alimango na mukhang Pokemon


Sungayan fish na may dalawang sungay at lasang pork liempo!



KAIN TAYO!


Kapag nasa beach ka tumunganga ka lang wantusawa

Tumingin sa malayo at tumunganga buong maghapon dahil dito ka lang entitled na gawin yan. Praktisin mo yung The Art of Doing Nothing para maramdaman mo na tao ka at hindi robot na hindi napapagod sa araw araw na pag-gawa. Pagmasadan mo yung alon, pakinggan mo yung sipol ng hangin at alon, pagmasadan mo yung pagsikat at paglubog ng araw, subukan mong abot tanawin yung dulo ng dagat. Ikuskos mo yung buhangin sa buong katawan mo, maglakad lakad ka sa dalampasigan.

Gawin mo lahat ng bagay na walang ka-sense sense kapag ginawa mo sa siyudad dahil ganyan mabuhay parang walang sense. Make sense?!?



At higit sa lahat pahalagahan at sulitin ang pagkakaibigan na nabuo nyo

Marami ng naisulat tungkol sa friendship kaya hindi ko na uulitin dahil alam na natin lahat yun. Pero ang gusto ko lang sabihin ay 

LET GO OF YOURSELF AND GO CRAZY WITH YOUR FRIENDS!

LIVE LAUGH LOVE







LIFE IS EASY

THE END.

TILL NEXT ADVENTURE TRAVEL PUSSIES!


Expenses:

Bus ride (Victory Liner Caloocan - Radio Veritas, Palauig) - P370
Tricycle (Radio Veritas - Brgy. Luan) - P150 / 2 person 
Boat Transfer (Brgy. Luan - Magalawa Island) - P100 /person roundtrip

Rent of Tent - P300
Pitch Fee - P200
Cottage Fee - P300
Entrance Fee - P100

Budget per person: 1200 -1500





















2 comments:

  1. Nice one, Ju'an! Magkano damage niyo dito each?

    ReplyDelete
    Replies
    1. HiHi thank you te rada! :D ikaw first comment haha! Ilalagay ko yung expenses and contacts :D

      Delete