Monday, June 2, 2014

Have a Better Look Under Lobo Batangas

Why Skin / Free diving?

Ito ang poor man version ng mga Scuba Divers. Bago ako magpasikat sa blogpost na ito at magpalaway sa bawat litratong ipapakita ko sainyo, ipapaliwanag ko muna kung ano ang pinagkaiba ng Scuba Diving at Skin/Free Diving.

Scuba Diving ay pagsisid na may napakaraming breathing apparatus. Mas mahabang panahon at mas malalim na mararating underwater.

Snorkeling - Skin Diving - Free Diving

Ito yung pagkakasunod sunod ng Evolution of Being an Astig Diver without Apparatus. Ito yung tatlong stage ng pagiging ganap na free diver parang butete na magiging paru-paru in the end. Syempre mas astig kase feeling fish ka at pwedeng gumiling giling underwater kesa sa Scuba na may dala kang mabibigat na apparatus. Nakasubok na ko ng Scuba pero tinigil ko dahil feeling ko nasa ospital ako na 50/50 ang kalagayan, disturbing kase para sakin yung oxygen at yung tunog ng oxygen tuwing hihithit ako SCARY!

Not until sa huling semestre ko sa kolehiyo ay nagenroll ako sa PE Skin Diving class. Di naman talaga ako marunong lumangoy, in fact, langoy aso lang kaya ko talaga at saka mahal na mahal ko lang talaga ang dagat. Nung bata nga ako tuwing summer negrang ngera ako na may blisters sa iba't ibang parte ng katawan kase kailangan pa kong paluin ng nanay ko para umahon na ko sa dagat.

Ganon ko talaga kamahal ang dagat na feeling ko si dyesebel ako or katropa ni dyesebel sa past life. Oh diba feel na feel ko underwater, next time gagawa ko ng dance number ;)

Lumalayo na tayo sa topic, simulan na natin ang mahabang paliwanagan.

Magsisimula ang lahat sa Snorkeling. Ito yung butete ka palang o yung nasa infant phase ka pa lang.

Magpapalutang lutang ka lang sa tubig habang pinagmamasdan ang kagandahan ng corals at isda. Isa lang ang rule sa snorkeling, kailangan mo lang mag relax sa surface and never stand up kundi lulubog ka. Pwede rin namang mag life vest kung ii-insist mo talaga na malulunod ka kahit hindi naman.

                                                         Mga Tanawin sa Underwaterworld


Makulay ang Buhay!

Kapag nasa surface ka lang laging top view lang ang makikita mo para kang sumisilip sa isang
super laking aquarium. Kaya pag nagsawa ka na sa top view at kumportable ka na sa dagat saka ka matutukso na sumisid at titigan sila up-close.



Skin Diving ang second phase ng pagiging ganap at maikukumpara sa teenage exploration phase. Finally hindi mo na kayang pigilan ang sarili mo at di ka na takot sumisid sa dagat. Unti-unti ka ng makakalubog at makikita up-close and live ang makukulay na corals, nagsisipaglarong mga isda na may iba ibang kulay at itsura. Magpapaikot ikot ka sa ilalalim at sasabayan ang paglangoy ng mga isda na parang pakiramdam mo isda ka narin. Tapos pag nauubusan ka na ng hininga pwede ka ng mag ascend sa surface para makabwelo ka ulit sa sunod mong sisid. 

Mas gusto ko yung skin diving dahil pakiramdam mo You're free like a bird or fish na nagpapagiling giling sa ilalim ng tubig. Para ka lang nakikipaglaro sa mga isda sa isang malaking playground. 

ito yung The Mansion ng mga isda



Syempre kailangan mong sumisid deeper para makita upclose ang bahay 
ni nemo at si nemo and his dad :)


SAY HI TO NEMO!


Bago ka sumabak sa pagsisid, magreview muna ng notes sa Basic Skin Diving: http://www.wikihow.com/Skin-Dive  


Free Diving ay katumbas ng pagiging ganap na Muro-Ami. Ito ay maitutumbas na sa isang Art na kung saan ay may i-mamaster ka na skill, to hold your breath and to go deeper as much as you can.

Kapag nagsawa ka na sa shallow waters (10 ft. - 20 ft.), at napalangoy ka na sa bandang kalayuan kung saan ay may kalaliman na ang dagat. Ang mararamdaman mo ay magkahalong curiosity at excitement dahil hindi mo na masyadong makita kung anong meron sa ilalim. Ang misteryoso kase ng malalim na parte ng dagat. Practice makes perfect. Sa free diving kailangan mo ng panahon at pagtiyatiyaga para mamaster mo ang art na ito. Kailangan kasing unti-unting mag adapt yung katawan mo sa mekanismo ng karagatan, the more na paulit-ulit kang nagdidive mas lalong nasasanay at na-aadapt mo ang underwater environment. Sa unang dive pwedeng hindi mo maabot ang dulo hanggang makuha mo yung proper breathing at proper na paggalaw sa ilalim. 

Ang importante ay relax ka sa tubig. Para na rin siyang meditation na kailangan iisa ang katawan mo sa karagatan. Parang pagdurugtungin mo yung kaluluwa mo sa kaluluwa ng karagatan. Habang palalim ka ng palalim, pasarap ng pasarap ang katahimikan tapos parang nawawala ka sa mundo. Para kang high na high pero this time down na down ka, labo. 

The Descend

1

 2

3

4

THE END
















No comments:

Post a Comment